Rolando Tolentino

Salamat po Pangulong Arroyo para sa footbridge na ito
Ito ang higanteng tarpaulin na magkabilaang bumabalandra sa mga dumadaan ng Commonwealth Avenue, patungong Quezon Memorial Circle.  “Calling card” kumbaga ni Gloria Arroyo sa paghahanap ng legacy ng kanyang termino.  Na kahit ang opisyal sa Quezon City na nagpagawa ng anunyso na bawal ang political propaganda sa mga lansangan nito ay tila nagkikibit-balikat na lamang.

Bahagi ang kalakaran ng impunity sa administrasyong Arroyo:  malinaw ang polisiya na itinatag, kahit indirekta, ng kanyang administrasyon, at siya mismo ang unang babaluktot nito kung may political stakes na mahihita.  Nagmimistulang kontradiktoryo ang dalawang bumabandilang tarpaulin sa kalsada ng Quezon City, pero hindi naman talaga.

Una, ang pagsasawalang aksyon ng mismong city government ay tasitong pagtanggap sa mas mataas na kapangyarihan at ang kabaluktutan nito.  At ikalawa, ang MMDA, tulad ng iba pang ahensyang pampamahalaan, na naglagay ng ad ay personal na kasangkapan ng politiko.  Ito ang interes na itinataguyod nila, hindi ang sa mamamayan.

Imahen mula sa http://http://www.flickr.com/photos/byaherong-pinoy/5949702250.

Bawat pangulo ay mayroong pahabol na megalomia sa pagtatapos ng kanilang termino.  Naunsyaming Film Palace at Marcos bust sa mag-asawang diktador.  Kay Cory Aquino ay ang mga flyover na dapat ay mag-iibsan ng trafiko gayong ang preferensiya ay ang pribadong sasakyan.  At ang kay Arroyo, sa photo finish nito, ang mga infrastruktura ng mobilidad:  NLEX, SLEX, Subic-Clark-Tarlac Expressway, extensyon ng MRT hanggang Monumento, at ito ngang footbridge.

Tulad ng lohika kay Aquino, ang layon ay di lamang pabilisin ang daloy ng sasakyan kundi ang daloy ng kapital na hinihimok ng mga infrastruktura.  Hindi ba’t ang flyover ay parang kabuteng nagsulputan sa mayor na interseksyon ng negosyo, tulad ng mall, halimbawa?  Ang kay Arroyo ay ang pagpapabilis ng mobilidad ng produkto, mula pabrika tungo sa daungan at paliparan.

At ang tokenismo ng infrastruktura ay ang footbridge, na ang layon ay hindi para gawing kumbiyente ang mobilidad ng pedestriano kundi para tanggalin ang uring anakpawis sa equation ng pagpapadaloy ng kapital.  Kumbaga, hindi dapat sagabal ang abang uring namamasahe sa mas prinayoridad na pagpapadaloy ng kapital.

Imahen mula sa http://www.daylife.com

Kaya rin pagkatagal-tagal bago napatino ang disenyo ng footbridge, lalo na sa Commonwealth Avenue.  Wala yatang master plan na sinusunod ang pagpapalawak nitong kalsada.  Gagamitin ang lumang footbridges na sa gitna ng kalsada ang magkabilang dulo.  O nagtayo ng bagong footbridges, dahil pabago-bago ang sakop ng pagpapalawak, ay nananatiling kapos at mali ang akyatan at babaan.

Dahil nalaglag sa pabor ang dating punong chuwariwap (chu-chu o sipsip) ni Arroyo sa MMDA, si Bayani Fernando, napalitan ang pink at blue na color scheme.  Ngayon naman ay pinitahan ng mapusyaw na luntian ang footbridges.  Tunay na ipinapahiwatig na kosmetiko ang politika ng struktura, na kayang baguhin ang pabalat para sa interes ng politiko ng bansa.

Ang tarpaulin ay isang pahayag:  kung ano, sino, kailan, paano, bakit at saan ang isang pangyayari.  Sa sarili nito, inaako ang mensahe na parang ang gumawa ng tarpaulin (MMDA at mamamayan) ay ang mensahero.  At kung gayon, ang mga gumagamit ng footbridge at dumadaan na natatanaw ito ay nagpapasalamat sa kumbiyenteng pagpapadaloy ng trafiko.

Ang karaniwang gawain ng anunsyo ay direktang akdain ang awtor nito, at ang awtoridad nitong awtor.  Sa maraming pagkakataon, ang mismong politiko (pangalan at imahen) ang nagsasaad ng paproyektong sinasambit ng anunsyo, at ang ebidensya na ang konstruksyon ay mayroong patron.

Sa insidente ng tarpaulin sa footbridges, ang awtor ay ang lumikha nito, pati ang mismong inanimate object ng footbridge.  Nagpapasalamat ang footbridge sa indexikong “reason for being” nito:  na ginawa ito hindi para madaanan ng pedestriano at paluwagin ang daan sa sasakyan kundi para magpasalamat sa awtor nito.  Ito ang lohika ng calling card:  ginawa para sa pagkilala ng designasyon ng kapangyarihan ng may ngalan nito.

Ang lohika ng calling card ni Arroyo ang siya ring pinagpupunyagi ng kilusang masa:  ang pag-uugnay ng iba pang nakamit ng administrasyong ito, ang mga bagay na hindi nito sinasambit—Ampatuan massacre, fertilizer scam, election scam, kickbacks at lahat ng bahagi ng serye ng skandalo at anomalya nito.  Kung hindi ito sinasambit—ng slogan, prop, politikal na sining, tulang protesta at iba pa—mananatiling walang awtor ang mga skandalong naging ofisyal na kalakaran sa nation-management ni Arroyo.

Kaya ang sinasambit ng pasasalamat ng tao at footbridge kay Arroyo ay ang hindi rin nito inilalahad.  Double-dressing kumbaga (footbridge bilang aguinaldo ni Arroyo, at bilang pantakip sa mga anomalidad nito).  At kung gayon, ang kailangan sambitin ay ang dobleng ibinaon na mensahe:  na sa pagtatapos ni Arroyo, tiyaking nananatiling nakabuyanyang ang ibinabaong pruweba ng pandarambong nito, na huwag na siyang mahalal muli, pati ang mga galamay nito, at tiyakin siyang makasuhan at makulong.

Unang nailathala sa Pasintabi kolum noong ika-8 ng Pebrero, 2010, Pinoyweekly.org.

El Niño
Enero pa lang, tag-init na.  Kaliligo pa lang, pinagpapawisan na.  Iniisip pa lang kailangang bumiyahe sa labas, nanlalata na.             Lahat ng ito ay sinisisi sa el nino.  Na ipinagtataka ko dahil anti-bata ang isinasaad ng katawagan sa penomenon.  Pamaktol-maktol daw kaya parang brat na lalakeng paslit.

Tulad ng pagsasaalang-alang sa paslit bilang esensyal na spoiled brat, kinakasangkapan din ang el nino bilang dahilan ng lahat ng kasalukuyang krisis.  Madaling nakakita ng politikal na bukana si Gloria Arroyo.

Ang el nino ang salarin kung bakit may krisis sa enerhiya ang bansa, na parang ang pangkalahatang supply ng power ay nakabatay lamang sa hydro dam.  At dahil may krisis sa bansa—sa partikular, sa Mindanao na dumaranas na ng anim na oras na blackout—muli na namang pinapalutang ang idea ng emergency power ni Arroyo.

Tulad ng nauna sa kanya, si Arroyo ay wala na namang masterplan para sa enerhiya, kasama ang paghahanap ng sustainable sources, tulad ng araw, hangin, at maging alon ng dagat.  Imbis na ito ang tunguhin, ang direksyon ay pagsuporta sa planong coal plants, na ang panggagalingan ay mula sa pag-angkat ng batong uling sa Tsina, at ang muling pagbuhay sa nuclear, sa partikular ang Bataan nuclear power plant.

Ang el nino at ang pagsisimula ng power shortage sa Metro Manila at Luzon ay nagiging susi rin sa failure ng eleksyon sa Mayo 2010.  Sa kauna-unahang pagkakataon, automated ang bilangan sa eleksyon.  Ayon sa Comelec, mayroong battery life ang makinang bibilang na 16 na oras, at 11 oras lang ang laan sa pagboto.

Mga imahen mula sa http://www.earthlingorgeous.com at http://www.joeyalarilla.com.

Ang hindi sinasaad ay ang kulturang kaakibat ng blackouts, lalo na sa panahon, sa mismong araw, at matapos ang eleksyon.  May pangkalahatang pakiwari ng agam-agam sa napakahalagang araw ng pagboto.  At hindi nakakatulong ang kawalan-kumpiyansa ng mamamayan sa pagiging sagrado at sikreto ng kanilang balota at karapatang bumoto kung may malawakang blackout.

Ang epekto sa minimum, may resulta pero hindi lubos na katanggap-tanggap dahil sa kontexto ng pagkapanalo.  Parating kabuntot ang katanungan at isyu hinggil sa pagmamaniobra at pandaraya.  Sa maximum, ang “no el” (no elections) at maging failure of elections na scenarios.

No elections dahil hindi lubos na nakahanda ang infrastruktura at personnel para sa automated voting at counting.  At wala rin namang malinaw na plano sa rekurso para sa balik manual na eleksyon.  Failure of elections naman kapag aktwal na may pagbotong naganap, pero malawakan ang kondisyon para makwestiyon ang ehersisyo sa liberal na demokrasya.

Sa dalawang scenarios, si Arroyo lang naman ang makikinabang.  Mas tiyak ang katig ng kanyang namamayaning burukrasya para sa mga scenario na maaring maganap.  At ito ang rekurso ni Arroyo sa pagpolitisa sa phenomenon ng el nino:  gawing lubhang mainit ang panahon at kondisyon ng eleksyon, pero gawin din, tulad ng el nino, na wala nang magagawa ang mga tao hinggil dito.

Sa kapaligiran ng U.P. at iba pang lugar, tuyot na ang damuhan.  Matatamlay ang halaman.  Ngayon ay may lamig pa sa umaga pero sa kalakhan ng araw, di lamang naglalaho ito, wala pang rekurso sa ibang maaliwalas na espasyo maliban sa malls at aircon na lugar.  Naisip ko tuloy na ang disenyo ng mga gusali sa bansa ay talagang makakanluranin.  Kailangan ng aircon para magkaroon ng katiwasayan sa mainit na temperatura.

Imahen mula sa http://www.flickrhivemind.net.

Kapag nagbro-brownout, madilim at mainit ang loob.  Walang klase, walang opisina.  At kahit walang magagawa, hindi matiwasay ang pakiramdam.  Tahimik na nakakaalarmang magbilang ng sandali.  Madalas tumingin sa relo habang nagpapaypay kahit hindi naman mapapabilis ang pagtapos sa brownout.

Enero pa lang at mainit na.  At ang tanging maagang nakikinabang sa el nino ay ang pangulong nagpopolitisa nito.

Unang nailathala sa Pasintabi kolum noong ika-13 ng Marso, 2010, Pinoyweekly.org.

Vandalismo
Imahem mula sa http://www.diliman-diary.blogspot.com

Ito ang tugon ng mga estudyante ng PUP at UP.  Sa binabalak na 2000 porsyentong pagtaas ng matrikula sa PUP, aligaga ang administrasyon nito na pagdiinan ang naging rekurso ng mga nagproprotestang estudyante, sinunog ang mga bulok na silya.  Sa UP naman, dahil ayaw bumaba ng presidente nito at ang rehenteng kaka-renew lang ang appointment ng Malacanang gayong boto nang boto kahit temporary lang ang naunang appointment nito, nagpinta ng graffiti ang nagproprotestang estudyante.

Sa “Unang Hirit,” kinapanayam ni Arnold Clavio ang estudyante nang may pasakalye, na galing din siya sa public school at alam niyang limitado ang resources nito, bakit naman nagsunog pa ng silya?  Sa UP, ang administrative staff sa Quezon Hall ay bumulyaw sa estudyanteng nagpipinta ng “Gloria, Roman taksil sa pamantasan!” na wala na ngang pera ang unibersidad ay gagastos pa ito nang paglilinis.

Minsan nang ginipit ang UP Faculty Regent Judy Taguiwalo ng kanyang kahanay na guro sa University Council.  Nang mag-propose ito ng resolusyon hinggil sa karahasan sa mga estudyante dini-disperse sa pagbubukas ng Toyota-GT Center ay nabaligtad ang akusasyon.  Bahagi ng proposal ang pagdawit sa Chancellor ng UP Diliman dahil sa quotation ng mga opisyal ng pulis na ang Chancellor ang nagpatawag sa pulis para protektahan ang venue.

Bakit daw hinuhusgahan ni Taguiwalo at nang iba pang pumirma sa statement ang isang colleague nila?  Ito raw ba ang kultura sa UP, ang magtiwala sa tagalabas at magtiwalag ng tagaloob, na hindi man lang tumawag sa Chancellor para i-verify kung tama nga ba ang pagdadawit sa kanya ng pulisya?

Ang ganitong pangangatwiran ay bahagi ng diskurso ng natitinag na burgesya.  Binabaligtad ang sitwasyon, ginagawang personal sa makauring individualidad at imahinaryong komunidad sa lohika ng pangangatwiran, ang nabiktima ang nagiging mambibiktima.

Hindi kakatwa na si Clavio ay sumipi sa sariling uring pinagmulan, pero iba na ang uring identifikasyon niya ngayon.  Ang staff ay mayroon nang mentalidad ng administrasyon.  At ang faculty sa konseho ay nag-aastang parang di inaapi ng estado kundi ng isang kapwa nila.  Ang alipin ay nag-aastang amo, dinadaot ang kahanay na uri.

At ito ang tunay na karahasan, ayon sa kritikong si Slavoj Zizek.  Ang wika ng panunumbat ay hindi aktwal na tumutugon sa obhetibong karahasan.  Totoong may reaksyon ang mga nagproprotestang estudyante, faculty at kawani ng SUCs (state colleges and universities).  Marahas dahil hindi umaakma sa inaasahang regularisasyon ng pagtanggap:  deadma lamang kundi man mabaon sa limot sa dami ng pinagkakaabalahan, o hayagang pag-aproba.

Ang hindi pagpapalampas sa di makatarungang polisiya at pamamalakad ay historikal na pangyayari.  Makakalampas pero hindi pinalalampas, iginuguhit ang tunggalian, prinoprotesta ang katiwalian.  Mapusok ang damdamin dahil sa mas deadma na mukha ng kapangyarihan:  hindi nakikinig, dinudugyot ang may ayaw.  Mukhang galit si Pangulong Dante Guevarra sa panayam ni Clavio, si Roman naman ay baka may biro pa ngang binibitawan habang tinatalakay ang insidente sa nag-iisang rehenteng nakapasok sa regents room.

Ang obhetibong karahasan ay dulot ng kawalan-konsultasyon at kultura ng impunity nina Guevarra at Roman.  Nilulusot ang nais, pinagpipilitan ang magustuhan, niyuyurakan ang demokratikong proseso sa pamamagitan ng pag-iwas sa mismong mga naitaguyod na proseso, kundi man ang mapanupil na gamit sa retorika ng batas (lalo na kapag nailagay sa kamay ng mga abugado bilang representante ng makauring posisyonalidad kaysa sa paglilingkod sa komunidad) o ito ngang pagbabaligtad ng posisyonalidad.

Imahem mula sa http://www.diliman-diary.blogspot.com

Malaki ang apila ng indictment sa vandalismo.  Nakasentro ito, kakatwa, sa konsepto ng pribadong pag-aari.  May identifikasyon ang mga naantig ang damdamin na mababang uri sa gitnang uring panuntunan ng pag-aari:  pribado ito (kahit pa estado ang may-ari nito), kaya hindi dapat dinudungisan o sinisira kahit pa sa tindi ng damdaming kaakibat ng mas maigting na karahasan:  ang karahasan mismo nina Guevarra at Roman na yumurak naman sa orihinaryong karapatan ng mga nagproprotesta—ang karapatang makonsulta at mapakinggan.

Ang vandalismo ay tunay na “writing on the wall,” ang napipilitang lumitaw dahil sa ordinaryong pagkakataon ng estadong kapangyarihan ay binubura sa estetika ng normal at walang dungis (o bahid ng dugo) ng institusyon.  Hindi ba’t ang pagtaas ng matrikula ay disenfranchisement ng malaking bilang ng mababang uring mamamayang hindi na makakapasok sa poder ng institusyong ito, at kung gayon, ang posibilidad na makaahon sa historikal na kahirapan?

Kaya ang sinumang nagnanais na maging mukha at representante ng pang-estadong kapangyarihan ay dapat maging handa sa vandalismo.  Bumaba si Chancellor Rey Luis Velasco ng UP Los Banos para hamunin na tapunan siya ng paint bag.  At tinatupan nga siya, at sa ulat sa balita, nanghingi siya ng paumanhin sa publiko sa inasal ng mga estudyante.  Kailangan lang i-google ang pangalan nito at malaman ang mga marami at malalim na akusasyon ng estudyante sa kanyang pamamalakad sa inaakalang kaharian sa paanan ng bundok Makiling.

Hindi na nakakasapat ang protesta lamang, kailangan ng direktang aksyon tungo sa pagpapalitaw ng kontra-diskurso sa estado, lalo na sa mga representante nito sa mga institusyon, espasyo at poder sa pang-araw-araw.  Mabuhay ang mga nagproprotestang estudyante, sa pagkilos na naglalantad ng krisis ng institusyon at estado.  Sa isang saglit, magbibiyahe silang literal at figuratibong nabahiran ng kulay, slogan, abo at labi ng sidhi ng protesta.  Na uuwi sila at babalik kinabukasan na hindi na sigurado sa inaakalang di-matitinag na posisyon.

Unang nailathala sa Pasintabi kolum noong ika-24 ng Marso, 2010, Pinoyweekly.org.

Hindi magiging mabuti ang kasaysayan
Imahen mula sa http://www.archives.jonas.ph

Hindi naman ito usaping personal.  Mabuting makitungo si Emerlinda Roman, pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas.  Makwento ito, at kahit paulit-ulit ang kwento sa iba’t ibang pagkakataon, buhay na buhay pa rin ang kwento.  Noong Chancellor pa ito ng UP Diliman, decisive ito kapag may itinanong o hiniling ang unit.

Kaya nakakalungkot isipin na ang sentenaryong pangulo ng UP, ang unang babaeng pangulo nito, ay hindi paborableng huhusgahan ng kasaysayan.  Hindi kakatwa na sa dulo ng termino nito bumulwak ang mga isyu, pawang pahiwatig sa kalidad o kawalan nito ng demokratikong governance sa unibersidad.

Dati rati pa nga ay kasama si Roman sa pagtutol sa CPDP (Commonwealth Property Development Plan) ng nauna nang presidente Emil Javier.  Gayon naman pala, ang pinakamalaking proyekto ng pribatisasyon, ang UP-Ayalaland Technohub ay maisasakatuparan sa termino ni Roman sa mismong sityo ng CPDP.

Ang walang dangal na pagpataw ng 300 porsyentong pagtaas ng matrikula ay naganap din sa watch ni Roman.  Sa isang desisyong itinago sa mga nagproprotestang komunidad, naetsapwera ni Roman ang dakilang misyon ng UP na bigyan ng pinakakalidad na tertiaryong edukasyon ang pinaka-deserving at mahihirap na estudyante.

Dagdag pa sa tiwaling pamamalakad ni Roman, ang malawakang subkontraktuwalisasyon ng mga serbisyo, pagpasok ng unibersidad sa mga kwestiyonableng kasunduan sa pribadong entidad, pagpapalakad ng Board of Regents, ang pinakamataas na policy-making body ng UP, na expired na ang termino ng tatlong Malacanang appointees, at matapos madiskubre ito, nang walang konsultasyon sa kanyang constituency, nirekomendang magkaroon ng full term pa ang mga ito.

Dahil sa sistematikong kawalan ng konsultasyon ni Roman, bumuyanyang ang bigat ng kanyang plano’t aksyon.  Tinanggal ang rehente ng mga estudyante, tinanggal ang nahirang nang direktor ng Philippine General Hospital (PGH), inuluklok muli ang Chancellor ng UP Mindanao nang hindi tinutugunan ang mga komento ng Commission ng Audit hinggil sa inagurasyon nito, at iba pa.

Imahen mula sa http://www.convergingideas.wordpress.com

Marami nang presidente ang UP.  Marami ang makasaysayang pamumuno dahil sa ginawang Filipinisasyon ng unibersidad at sa termino ni S.P. Lopez, ang demokratikong konsultasyon na nauwi sa pagproprotekta nito sa mga lumahok sa Diliman Commune laban sa militar ni Marcos.

Ang di-demokratikong pamamalakad ni Roman ay sarili niyang kagagawan.  Sinasabi niyang maliit na pumpon ng nagproprotesta lamang ang nasa Quezon Hall.  Tunay na ngang nasa ivory tower si Roman.  Wala na itong interes na makinig, itinatatwa na niya ang radikal na tradisyon ng unibersidad na naghirang sa kanya bilang sentenaryong pangulo.

At hindi ito kataka-taka para sa “reyna ng komersyalisasyon.”  Pinindeho ni Roman ang kasaysayan ng UP sa poder ng negosyo at reaksyonaryong estado.  Hindi hiwalay ang kinikilos ni Roman sa neoliberalismo at fasismo ni Gloria Arroyo, ang napagtagumpayan niyang i-bypass dahil nakakolekta ng bilang ng boto si Roman mula sa mga rehenteng niluklok ni Arroyo.

Hindi naman pala sila magkaiba.  Magkahalintulad ang kanilang bisyon sa isang sitwasyon limitado ang resources at may engrandeng bisyon na maging globally competitive ang kanilang pinaghaharian:  papasukin ang negosyo, supilin ang demokratikong proseso, buwagin ang natitirang espasyo ng demokratikong karapatan.  Ang resulta ay ang pamamayani ng kultura ng impunity.

Walang takot sa parusa si Roman o si Arroyo, walang remorse sa pinaggagagawa kahit natitiyak na natitinag din ito sa ilang beses na paghiyaw na “Roman resign!” ng mga nagproprotesta.  Sino ang hindi?  Dagdag pa ito sa kanyang makasaysayang panunungkulan:  sentenaryong presidente, unang babaeng pangulo, at unang pinanawagan magbitiw na sa panunungkulan?

Na pati ang fasistang Chancellor ng UP Los Banos ay nahawahan na ng kulturang ito, walang takot na naghahari at nananakot sa kanyang kampus?  Pati ang iba pang hinirang ni Roman na maging reservoir ng kapangyarihan niya, kasama na ang midnight appointments ng tatlong rehente ng Malacanang, ay namamayagpag sa kanilang kingdom come.

Tulad ni Arroyo, si Roman ay hindi rin natatakot maparusahan, hindi rin bibitiw sa kapangyarihan, kaya ang kasaysayan ang huhusga sa kanila.  At tulad ng mga linya sa puntod, dito nakahimlay ang empire ni Roman, magarang monumento pero mabilis na naaagnas na, tulad ng maraming naghari nang may pag-iimbot, naglilingkod sa makauring interes ng negosyo at gobyerno.

Nabigwasan na ng progresibong kilusan sa unibersidad ang akala ay toreng pinagtitirikan ng kapangyarihan ng empire ni Roman.  Mula sa kanyang posisyon, di na lamang alapaap ng sariling kapangyarihan ang natatanaw.   Nasira na ang view ng mga graffiti at nagproprotestang komunidad.

Unang nailathala sa Pasintabi kolum noong ika-24 ng Marso, 2010, Pinoyweekly.org.

Jejemon
siN0H AnG iBoBo2 U~ sa ELeKxoN, N0H? c~ N0N0y~ ba Na~ wLAng TRack~ rEc0RD~ AT~ SOC-deM,~ c~ VILLar~ bA nA SndAmKMk Ang kSO ng qRapx0N, o~ C ErAp~ Na PiNTAwd nA KRiMInl, N0h?

Ito ang bagong “craze” at pet peeve ngayon. Gusto mo o kinamumuhian mo. Gusto mo dahil bagong anyo ito ng lengwahe, lalo na yaong historikal na naisantabi na sa kasalukuyang terminolohiya ay ang jologs. Ito ang sub-uri ng lumpen proletaryado, ang ayaw mong makasama sa public transport dahil ito ang inaakala mong magnanakaw ng iyong cellphone o notebook, ayaw mong makita sa mall dahil ito ang low-brow na manggugulo lamang, o ang pumapasok sa UP Fair para makipaggitgitan at makapasok ng libre.

Kaya marahil, ayaw mo ng jejemon o ang bagong wikang halaw sa Latin Amerika (“jeje” bilang pagsasaad ng pagtawa o lol [laugh out loud], at ang katumbas nito sa Pilipinas ay “hehe”) na nagpapamutiktik ng text at iba pang social networking sites (Friendster bilang pangunahing realm ng jologs at Facebook bilang naabot na ring virtual na komunidad ng jologs at mas naunang gitnang uri) ng dagdag na consonants at capital letters.

Pinamumutiktik ng h at ~, gayong sa aktwal na text ay 160 characters lang ang kapasidad nito, kundi ay doble na ang bayad dito. Sa pangunahing source ng “jejemon,” ang Urban Dictionary website, pejoratibo ang tampok na kalidad nito. Ayon dito, ang jejemon ay ang mga sumusunod:

“- a person WhO tyPeZ lYKeS tH1s pfOuh..

whether you are RICH, MIDDLE CLASS or POOR ifpK eU tYpE L1K3 tHiS pfOuh..eU are CONSIDERED AS JEJEMON.

– (noun or adj.)—a person who is very expert in typing..

– a person that nevr (sic) gets tired of typing consonants in all of his comments…

– people with very LOW IQ

– a person that destroys the morale of language in any typing media like internet, cellphones…etc…

– a person you want to fuck off and kill

– an emo/gangster who owns all the possible negative qualities of a person.” (http://www.urbandictionary.com/define.php?term=jejemon)

Kung gayon, ang mga katangiang inilista ay patutsada sa abang uri (underclass) na pamali-mali ang spelling sa texting (“spell as you pronounce” hindi pa dahil nagtitipid sa character-usage kundi talagang di lang alam ang baybay), at kung gayon, sinasabi rin na hindi magaling mag-type (sa kaso ng computer) at text. Kaya masasabing low IQ (walang pinag-aralan) at kung gayon muli, pwede mong ipagfantasyang patayin kundi man makaisa man lamang sa kanila.

Imahen mula sa http://kantotansinsin.blogspot.com

Ang jejemon ay sintomas ng bagong pagsa-sub-uri sa bansa. Umalagwa na ang pasosyal (matatagpuan sila sa call centers), at ang tunay na sosyal, nakakabili ng latest na gadget o ang aproximasyon nito. May entitlement ka sa teknolohiya dahil ito ang pangako ng mamahaling gadget na binili mo. At dahil nga mahal ito, exclusibo ang turing sa karanasang inaakalang magpapabukod-tangi sa nakararami.

Parang ilang araw lang, tinanong ako ng I-phone program sa aking computer kung gusto kong mag-update. Nag-agree ako, at natagpuan ko na lamang ang aking I-phone na blinock na ng internet. Binili ko kasi ito sa US, pina-unlock sa Marikina Riverbanks, at nagmintina ng prepaid sa Globe kahit pa sa kasunduan sa Apple ay post-paid lamang ang akses sa I-phone sa bansa. Kaya nga ako na-block. Nakahabol ang copyright sa aking (iligal) na gamit ng gadget.

At ganito rin ang predikamento ng iba pang jejemons. May mahihinuang pagtutumbas sa anumang gitnang uring panuntunan para sa mga nilalang na hindi pagkakalooban ng tadhana ng kapitalismo na magkaroon ng akses dito. Kaya irregular ang akses. Kung branded ang sa gitnang uri, sa jejemons ay Divisoria o Greenhills pirated (na may iba’t iba pang class ng piracy); kung cellphones ito, pwede namang nenuk (ninakaw) o yung mas lumang modelo.

Ang paglikha ng kaantasan ay hindi lamang simpleng paghihiwalay sa may K (karapatan) at sa wala. Ito ay paglikha rin ng epistemiko at maging literal na karahasan (sa kaso nga ng jejemon sa Urban Dictionary na may tasitong panghihimok ng annihilation). Inetsapwera na nga sila ng estado, ineetsapwera pa sila ng mismong mamamayan nito.

Samakatuwid, ito ang tagumpay ng mismong estado. Hindi nito kailangan gumawa ng batas para ietsapwera ang peligrosong mamamayan. Epekto na lamang ang pagkaetsapwera ng lantarang polisiyang ekonomiko at politika nakapabor sa naghaharing uri ng bansa. At ang isang direktang epekto nga ng paglikha ng hegemoniya ng naghaharing uri—na pati ang pinaghaharian ay umaastang kabahagi ng ideolohiya ng naghahari—na muling nag-eetsapwera sa mamamayan.

“Felt” ang pagkaetsapwera dahil may mukha ng taong nakaharap at nagmamamnan sa ugali at pagkilos ng jejemon. Hindi tulad ng estado, abstrakto ang mukha ng nagpapahirap: paano maikokonekta sina Palparan, Gonzalez at Arroyo, halimbawa, sa sistematikong pagkaligwak ng kabuhayan ng mahihirap gayong pulis at MMDA ni Bayani Fernando ang nagpatupad nito?

Imahen mula sa http://snitchcentral.com

Sa aking palagay, ang jejemon ay hindi naman pangalang nanggaling sa mismong hanay ng jologs, tulad ng salitang “jologs” mismo. Ipinataw lamang ito mula sa penomenong global, galing ng Latin Amerika, gamit ng naghihikahos doon at mga bakla. At kung gayon, ang paglikha ng transglobal na lokalidad ng pagkaetsapwera ng naisantabing mamamayan. Alam ng mga sub-uring ito ang kanilang pagkaetsapwera, at ang kapangyarihan ng pag-etsapwera ay ang kawalan-magagawa hinggil dito kundi ilantad ang laban sa larangan ng kultural.

Mananatiling malaganap ang jejemon sa texting at sa internet bilang wika ng subkulturang naisantabi at nagnanais umalagwa, hindi pumantay kundi magkaroon lamang ng pagka-hayag. Hindi yung binabakuran at whitewashed na pader sa panahon ng diktaduryang Marcos para lumikha ng demarkasyon ng karapat-dapat at hindi. Ito na yung pag-demolish ng tirahan para itapon ang mag-anak sa lugar na wala na sa imahinasyon ng gitnang uring Filipino.

Ipinataw mula sa itaas ang pangalan at ang pagbibigay-ngalan sa karanasan ng jejemon. Kahit pa nga buhay na sa ground level ang ganitong subkultura. Ang akses na inaakala ng jejemon para sa kanilang lehitimasyon ay kultural, ang pamamayagpag sa media, internet at text bilang pagsasaad na buhay at patuloy na nagtratransforma ang ganitong subkultura.

Pero maging ito ay kooptasyon na rin ng kapital at estado. Umiinog ang mundo sa ekonomiyang kapasidad na makabili ng load at makapagtext, makaipon ng pera para maka-internet at Facebook, bilang asersyon ng politikal na identidad. Hindi nakakasapat. Sa pamamagitan ng direktang politikal na pakikitunggali lamang magkakaroon ng lagusan para sa politikal na pagkamamamayan ang naisantabi. Sa ngayon, ito munang asersyon sa larangan ng kultural, ang tahimik na pamamayagpag dahil nga sa presensya at substansya ng gitnang uri na mahilig sa alintuntunin at proseso, at ngayon silang nagtataguyod ng dekorum ang bigla na lamang nagiging “Jejebusters” at “grammar Nazi.”

Unang nailathala sa Lokusyonaryo ng Kulturang Popular kolum noong ika-3 ng Mayo, 2010, Bulatlat.com.

Jollibee kiddie party
Kamakailan ay natagpuan ko ang sarili na dalawang beses dumadalo ng kaarawan ng musmos na idinadaos sa Jollibee.  Una ay si Ameelia, inaanak kina John at Elyrah, mga kaguro, sa Jollibee Katipunan.  Ikalawa, sa ikalawang apo, kay Kayden, mula sa pamangkin na nakabase na sa suburb sa Chicago na nagdaos ng kaarawan sa Jollibee Fort naman.

Parang naka-shabu ang host sa paghihimok sa mga bata at matatanda.  Pati ang aking mga pamangkin lalake ay napalahok sa isang game na ang inspirasyon ay mula sa showbiz.  Bawat isa ay binansagan bilang Mr. Piolo Pascual o Gerald Anderson at iba pang matinee idol, at bawat isa ay pinarampa ng bading na host para tanungin ang audience kung in or out na ang mga ito.

Imahen mula sa http://luckytoe.blogspot.com

Sa Katipunan branch, ang mga kaguro at kamag-anak ng mag-asawa ang in-infantilize para sa isang race at spelling ng “wow” na gamit ang pwet.  Sa branch na ito, mangha ang musmos nang lumabas ang mga Jollibee mascot, ang higanteng pa-cute na bubuyog, kasama si Hetty, isang Goldilocks-type na ang katangiang buhok ay halaw sa spaghetti item sa menu.

Hindi miminsan natunghayan ko ang celebrant na musmos na umiiyak sa takot sa pagkakita kay Jollibee.  Ganito rin ang nangyari kay Kayden, na kahit anong pangungumbinsi ng magulang ay ayaw pa ring humawak o tignan ang mascot na buong pa-cute naman na inaamo ang musmos.

Hassle-free ang Jollibee kiddie party.  Hindi ka na mag-iisip kung ano ang ihahanda dahil plantsado na ito sa package na kinuha.  Hindi ka rin mamimilipit kung ano ang ipapagawa sa bisita para ito mag-enjoy sa okasyon.  Paratihan, sa anumang children’s party, may matatanda nang kasama, at iba-iba pa ang edad ng mga bata:  mula musmos hanggang teenager ay parating represented sa okasyon na tulad ng anumang pagtatangkang magka-family gathering ay parating hatakan at magnet ang epekto.

Parating may bitbit ang isa lamang na imbitado.  Parating may kasama pang iba, kundi man ang buong pamilya, ang umayong pupunta sa okasyon.  Madali lamang umorder ng extra.  Hindi mauubusan ng pasobra ang Jollibee dahil ito naman ang tindahan nang puro sobra at labis:  sobrang kolesterol at taba, labis na asukal at mantika, sobra ang vetsin at dalas ng pagpunta sa Jollibee.  Sobra na parating kulang:  hindi lubos ang anumang pagpunta kaya nga parati ang panunumbalik.

Sandamakmak ang stealth advertising sa loob ng pagtitipon:  lahat ng games at pabuya ay hango sa Jollibee na empire; lahat ng kinakain, pampunas ng bibig, tarp sa dingding ay tadtad ng imahen ng Jollibee mascot.  Ito ang “empire of signs” ni Roland Barthes na umiinog ang pagbasa at pag-unawa sa dinadala at ipinapamahaging kosmolohiya ng konsumeristang identidad at ng praxis ng konsumerismong kapitalismo.

Imahen mula sa http://www.jonathinks.blogspot.com

Ang Jollibee kiddie party ay isa nang gitnang uring panuntunan.  Whether-you-like-it-or-not, bibigyan ang pinag-aastang bata ng ganitong pagtitipon.   Kasama na ito sa checklist ng pagiging gitnang uri sa bansa.  Ang kakatwa rito, marami sa celebrant na musmos ay walang direktang alaala sa okasyon.  Urban legend lamang kung paano ito ipapasa sa reiterasyon ng kwento ng magulang sa lumalaking anak.

Ito o/at ang trip to Disneyland sa Hong Kong (lang), o ang Universal Studios sa Singapore na accessible sa bargain na presyo ng Cebu Pacific at iba pang economy airlines.  At dahil ang family trip sa ibang bansa ay hindi kabahagi ang komunidad ng magulang, hindi ito ang prioridad.  Ito o dahil mas mahal ang family trip sa Hong Kong Disneyland.

Sa loob ng dalawang oras na iblinoke para sa okasyon, tutungo ang buong angkan at komunidad ng pares ng magulang (times two ang bilang ng attendees kung gayon) sa anumang designated na branch.  At magdiriwang na parang wala nang iba pang uri ng sandali maliban sa sandali ng pagdiriwang na laan lamang para kina Kayden at Ameelia.

Magaganap ang kaarawang magdiriwang sa pagiging gitnang uring kasapi ng musmos, ng magulang nito, kaibigan at kamag-anak ng magulang nito, at matapos nito, tulad ng pagtatapos ng sine, babalik na naman sa pagiging ordinaryong mamamayang magsisipag-uwian, matratrafic at mamimiligro  sa pang-araw-araw ang lahat.

Unang nailathala sa Pasintabi kolum noong ika-26 ng Mayo, 2010, Pinoyweekly.org.

Horror at lipunan
Rebyu ng “Rain, Rain, Go Away” episode (Chris Martinez, direktor) sa Shake, Rattle and Roll 13 (Regal Entertainment, 2011)

Ang enigma ng pelikulang horror ay ang kapasidad na takutin ang sarili sa mga bagay, nilalang at pangyayaring di lubos na maipaliwanag.  “Primal fear” ito dahil lahat ng manonood ay nakadanas ng takot at pangamba mula sa unknown.  “Sado-masokista” ito sa lahat ng genre ng pelikula, dahil di lamang nasisiyahang takutin, sa pangunahin ang babaeng bida, kundi nasisiyahan ding takutin ang sarili.

Sa filmikong antas, ito ang kasiyahan sa horror film bilang batayan ng anumang subersyong maari pang maganap.  Sa Scream (Wes Craven, direktor, 1996), halimbawa, ang self-reflexive gesture na inilalahad ng mga tauhan ang mga kumbensyon ng horror film, na siya rin namang alam (prior knowledge) ng manonood.  Sa “Asian horror” phenomenon, ang halos absent—maliban sa klimaktikong eksena na ipapakita—na horifikong objek ng kinatatakutang sanhi.

Sa Filipinas, ang Sigaw (Yam Lanaras, direktor, 2004) ang kwento ay tumalakay sa domestikong karahasan.  At maging ang pinakamatagumpay na horror franchise sa bansa, ang Shake, Rattle and Roll series ay matamlay sa inobasyon at subersyon sa genre.

Pero kung totoo ang ibinandera ni Mother Lily, ang producer ng Regal, na ang ika-13 na nga ang huling installment, may humabol na interbensyon sa horror film ang serye:  ito ang contemporarize na panlipunang horror, nakabatay partly sa natural disaster at partly sa kasakiman ng kapitalismo at estado.

Si Cynthia (seryosong Eugene Domingo) ay asawang nakunan at muling nabuntis na may trauma sa pangungulimlim ng ulap at biglang bagsak ng ulan.  Na-Ondoy ang mag-asawa, dahilan para makunan ang babae at masira ang kanilang pabrika ng plastik.  Lumikas sila sa condo at nagpatayo ng ibang pagawaan.  Ang dahilan pala ng pagkamatay (pagkalunod ng kapatid ng asawa at mismong asawa), pati ang pangamba ni Cynthia ay dahil ni-lock in nila ang kanilang child laborers na nangalunod sa lumang pabrika nang mag-Ondoy.

Matapos ang Ondoy (2009), nanatiling “primal fear” sa akin ang malakas at matagal na buhos ng ulan.  Nakulong ako sa UP campus, di makaalis at walang balita kung ano ang lagay ng bahay.  Sa gabi ay malinaw na ang impact nito sa mga video coverage sa balita, na siya ring referensiya ng episode.  Kinabukasan ay halata ang pagkasalanta ng Commonwealth Avenue: masukal, mabagal ang biyahe ng mga sasakyan, at maraming tao ang nasa kalsada para sa temporaryong pananahan.

Parati, tulad ng flash floods sa Ormoc, Cagayan de Oro at Iligan City, maging ang landslide sa Quezon, walang mukha ang illegal logger, overzealous na real estate developer na di sumusunod sa zoning at natural na daloy ng tubig at earthquake faults, at maging ng estado.  Sa panig ng gobyerno, ang nagaganap kagyat ng disaster ay ang mabilis na kumbersyon ng mukhang makakapagbigay-katarungan sana pero pipiliin lamang na simbolikong makidalamhati at makamudmod ng relief.

Matapos, balik na sa normal ang mga aparato ng estado.  Pero nananatili nga ang pangamba at trauma.  At ito ang “binubuhay” ng episode ni Chris Martinez, na ang tunay na horror ay nananatiling nasa paligid, kabahagi pa rin ng mobilidad ng naghaharing uri at pambansang pagkaunlad.

Parehong buhay ang pangamba ng mamamayan, lalo na ang hysteria ng gitna at naghaharing uri, at ang pinangangambaan (Ondoy, disaster, kawalan-kahandaan, ang mga multo ng nangamatay nang gayon na lamang sa disaster).  Sa “Rain, Rain, Go Away” ay hindi mapagpatawad ang mga multo ng child laborers, at walang simpatya rin ang storya sa isolation ng maykaya sa kanilang condo at basement parking lot.

Makapangyarihan ang storya dahil nakaangkla ito sa kapangyarihan ng tunay:  na ang kaganapan ay nakaangkla sa nadanas at sa masaklap na aasahan, sa muli’t muli pa ring magaganap.  Malinaw din ang filmikong interbensyon ng direktor, scriptwriter, cinematographer at taga-disenyo ng tunog at musika:  ang tiwalag na buhay nang maykayang makapagbagong-buhay (ang spektakular na condominium shots na nagsasaad ng lungkot at pighati), ang gradiosong kaparusahan kay Cynthia na nagmamanikluhod at nakabatay sa karumal-dumal na kamatayan ng historikal na isinantabi (bata, manggagawa, galing sa probinsya) na pinatingkad pa ng disenyong produksyon at make-up design.

Ang horror ay itinatanghal dahil katanghal-tanghal ang karumal-dumal na horror sa bansa.  Ang isinasaad nito ay hindi na lamang pumukaw ng inspirasyon sa balon ng maligno’t multo kundi ilalahad ang mismong pagdanas sa karanasan bilang isang horror na pelikula.  Sa isang bansa na pinamumutiktikan ng Arroyos, Ampatuans at Aquinos, pati na rin ng periodikong landslides, flash floods , deadly na banggaan ng bus at kotse, sunog at paglubog ng ferry, ang maligno’t multo ay tunay na kapiling at nasa paligid lang natin.

Unang nailathala sa Lipunan+Kasaysayan+Pagkatao kolum noong ika-8 ng Enero, 2012, Pinoyweekly.org.

Kasal sa tag-init
para kina Bong at Grace

Pinili nilang magpakasal sa pinakamainit na tag-init sa matagal na kasaysayan ng bansa.  Ito ang panahong kapapaligo pa lamang, namumutiktik na ng pawis ang katawan habang nagbibihis.  At matapos magbihis, parang nakapaligo na naman ang hitsura:  basang-basa ang pangangatawan.

Ito rin ang isa sa pinakamainit na tag-init na nangyayari kada-anim na taon—ang pagdaos ng pambansang eleksyon sa bansa.  Dalawang araw lang bago mag-Mayo 10 nang dumalo ako sa kasal na ito.  Tagaytay kaya ang karanasang may degree of difficulty sa mga dadalo ay tunay ngang nangyari.  Habang papalapit ang araw ng kasal, unti-unting nalagas ang bisitang hindi nahimok ng malayo at mainit na biyahe.

Ewan ko kung bakit pinipili ng mga kabataang magpakasal sa panahon ng tag-init.  Ang mga romantiko ay sa June dahil nais mabansagang “June bride” o Disyembre dahil malamig–at sa stereotipikong ugnay, romantiko—na okasyon ng pag-iisang dibdib.  Marahil, may perverse na ugnay din ang init sa heograpikal at politikal na panahon sa alab ng pag-ibig.

Di nga ba’t ang Scorpio Nights at iba pang underclass na pag-ibig ay parating nirerepresenta ng hubad at namamawis na katawan?  Pero, wala namang underclass sa pares na ito.  Hindi naman naiisip na abang uri sila, dahil kung naisip nila ito, hindi naman sila magpapakasal sa klase ng pagpapakasal nila.  O for that matter, wala namang nagpapakasal—tulad ng iba pang di-ordinaryo’t pang-araw-araw na buhay—na iniisip ang kanilang material na lagay.

Parating ang pagpapakasal, tulad ng anumang joyous na okasyon sa mantra ng gitnang uri, ay isinasabuhay sa aspirasyonal na antas:  ano ang nais maging, ano ang gustong maitatwa sa front stage, ano ang gustong idispley sa eskaparateng tutunghayan ng publikong mahalaga ang opinyon?  Ang okasyon ay naglalahad ng panghinaharap, hindi ng kasalukuyan.

At ang matagumpay na okasyon ay ang kayang burahin ang pangnagdaan, na parang walang alaala maliban sa ilang gitnang uring kilalang naratibo.  Sa okasyon ng kasal, ng imortal na pag-ibig, ng romantikong simulain na nagsasaad na “they were meant for each other,” ng “love is patient, love is kind.”

Ngayon ko lang naisip, maliban pala sa dalawang positibong paglalahad kung ano ang pag-ibig sa biblikal na sipi, ang kasunod nito ay puro negation:  kung ano hindi dapat ang pag-ibig.  “It does not envy, it does not boast, it is not proud…”  Kung ang pag-ibig ay negation sa mismong araw ng kasal, bakit pa piniling magpakasal?

May awa ang pag-ibig, may katarungan ito.  Bago magsaad na umiibig, kailangan munang magsaad ng kapatawaran at parusa, at matapos ang awa na pinapatawad kahit hindi kinalilimutan, at matapos nito, na pinapatawad na at kinalilimutan pa.  At sa yugto lamang na pinapatawad at kinakalimutan, ang awa ay papaimbabaw, at ito lamang ang sandali ng tunay na pag-ibig.

Hindi pwedeng pumasok ang awa kaagad dahil, tulad sa kaso ng unilateral na politikal na pagpapatawad ni Gloria Arroyo kay Joseph Estrada, sukdulang arrogance ito.  Kaninong ngalan ibinibigay ang kapatawaran?  Kaya kahit pa pumangalawa si Estrada sa pagkapangulo, pinatawad man siya pero hindi kinalimutan ang kanyang kasalanan.  Walang awa na naibigay, walang pag-ibig na naidambana para muling maging pangulo ng bansa.

Tulad ng naunang pagsaksi (always-the-ninong but minus the rice-dispenser o electric fan-gift) kina Vencer at Silay, muli akong sumasaksi sa kasal nina Bong at Grace sa pinakamaiinit na tag-init.  At habang nagpapaypay sa hindi matuyo-tuyong polo, iniisip ko ang maari kong maibahagi sa bagong kasal:  inyo ito, inyo ang mundo, humayo at magmahalan sa abot ng inyong makakaya.

Unang nailathala sa Pasintabi kolum noong ika-1 ng Hunyo, 2010, Pinoyweekly.org.

Panitikan ng kulturang popular: popular na anxiedad at ang arkipelagong espasyo
Imahen mula sa http://haroldrossfineart.wordpress.com

Sa unang libro ng tula ni Adam David, sa El Bimbo Variations, ginamit niya ang unang dalawang linya ng ikonikong awit ng Eraserheads, at sumulat ng 99 na variations nito. Parang Buddhist mantra (Om Mani Padme Hum) na paulit-ulit lang ang pagbigkas sa iba’t ibang paraan, naghahanap ng perfektong kapamaraan ng pagsasaad ng afinidad sa kosmos, ang El Bimbo Variations ay humahalaw sa kapangyarihan ng ikonikong texto at ng musang si Paraluman para sa awa’t kabutihan ng kasalukuyang predikamento ng pagsusulat.

Gayunpaman, ang kabalintunaan ng ehersisyong ito ay ang walang kakayanang ulitin ang exactness ng nauna, na ang lahat sa 99 na akda sa libro ay gayon na nga, mga variation. Ang panitikan, kung gayon, ay pagtatangkang representasyon o pagbibigay porma-laman-substansya sa karanasan. Ang panitikan ay pagtatangkang aproximasyon sa representasyon sa krisis ng lipunan at kasaysayan. O ang panitikan ay pagtatangkang sumulat sa gitna ng krisis ng representasyon.

May tatlong antas ng krisis na sinasaad ang “panitikan ng kulturang popular” o mga panitikan na gumagamit ng paksa, imahen, kumbensyon, stilo ng kulturang popular. Una na nga, ang krisis sa panitikan, ang di lubos na kakayahan ng panitikan na salaminin ang tunay at realidad, na ang kaya lang nitong gawin ay magbigay-representasyon sa tunay at realidad, at maging itong tunay at realidad ay niraragasaan ng krisis sa lipunan at kasaysayan.

Ikalawa, ang krisis sa mismong kulturang popular: nagmo-malling pero walang nabibili, pinapagod lang ang sarili; na sa repetisyon at ligaya ng panonood ng sine o pagtangkilik sa mga porma ng kulturang popular ay nagdudulot din ng umay at pagkasawa pero muli’t muli pa ring manonood ng sine at tatangkilik sa kulturang popular; na ang panuntunan mismo ng kulturang popular bilang porma-laman-substansya ng libangan ay nagsasaad ng exclusiveness nito: kailangang magbayad para maglibang (takutin ang sarili sa horror film, ma-excite na parang bata sa theme park, kumain na pangbatang pagkain tulad ng fastfood, at iba pa).

At ang ikatlong krisis, ang krisis ng mismong lipunan at kasaysayan: mga presidenteng mandarambong, mag-ihitsurang kaawa-awa’t kapag ikukulong, pero mayroon pa ring gagawa’t gagawa ng pandaraya sa eleksyon at mauulit at mauulit pa rin ang pandarambong; ang pambansang kondisyon sa kahirapan at pandararahop, na walang administrasyon na tunay na mag-a-address nito sa takot na wala nang botong mabibili kung hindi nila ipagpatuloy ang paglikha ng mangmang at naghihikahos na bulto ng mamamayan; ang sachet na economics para sa mayoryang walang lubos na kapasidad na bumili kaya tingi-tingi na lamang ang pagdanas ng gitnang uring panuntunan at produkto ng buhay.

Ang déjà vu mode sa panitikan, lipunan at kasaysayan ng bansa ay humahalaw sa mismong buhay sa isang arkipelagong espasyo. Tulad ng Repeating Island (1996) ng kritikong Antonio Benitez Rojo na ukol sa Caribbean bilang postmodernong sityo ng repetisyon, ang Pilipinas ay gayon din, pero repetisyong may variation. Nang tanungin ang representatibo ng Filipinas sa Miss Universe kung ilan ang isla sa bansa, sinagot ito ng kontestant ng tanong, “High tide o low tide?” Nawawala ang isang isla kapag high tide, nababawasan ang namapa’t ofisyal na 7,107 islands sa bansa.

Ang arkipelagong espasyo ay isang trope o imahe ng pag-unawa sa lagay ng bansa, at kung gayon, sa lagay kanyang lipunan, kasaysayan at pagkatao, at kung gayon, ang lagay ng kanyang panitikan. Iba ang buhay sa arkipelagong espasyo dahil self-sustaining at mayroong buhay ang bawat isa. Walang pagnanais na lumikas at magbiyahe, tuklasin ang iba pang lugar ng lugar sa isla, at lalo na ang mga isla. Ang ginagawang underpass sa Araneta at Quezon avenues ay tila mas malaki pang dagat kaysa sa Pacifiko, at ang anumang biyahe papuntang Manila’t Quezon City ay parang biyaheng palabas ng bansa.

May lebel ng kuntento sa kanya-kanyang lugar at pwesto sa arkipelagong espasyo. At sa isang banda, ito ang nagpapanatili ng pambansang kapangyarihan, ang kapasidad ng arkipelago’t awtoridad na paghiwahiwalayin ang mga bagay at mamamayan sa isang stratifikasyong di lubos na nauunawaan ang pagkaloob at pagkalabas. Sa kabilang banda, ito rin ang di nagpapanatili ng kapangyarihan: na di kayang lubos na sakupin ng kapangyarihan ang mga isla’t mamamayan dahil nga sa pagkawatak-watak ng anumang ofisyal na magpapaugnay sa bansa at ng mga pambansang katangian.

Nagsisimula’t napapagyaman ng tulang “Ang Saksi ay Ebidensya at Napatunayang Nagkasala” ni Kristian Sendon Cordero sa pamamagitan ng litanya ng imahen: mata ng nabubulok na pinya, tuyong balat ng palaka na ginawang pitaka, panghuhuli ng mga bata ng butiking binibili ng piso sa lugawan. Ang pang-araw-araw na buhay ay panggigipit sa nakararami ng kalakaran sa kapitalismo at pyudalismo sa bansa.

Ang walang malay na palaka ay nagiging anomalous na souvenir item para sa inaakalang turista’t konsumerista. Panibagong man/woman-in-a-barrel na walang praktikal na silbi, maliban sa stereotipong mabibili lamang sa bansa’t maipagyayabang sa ilang kakilalang magkakaroon ng kontak sa objek. Ang butiki, hinuhuli na rin dahil may halaga para sa mga nag-aalaga ng aruwana. Ito ay mahuhuli sa gabi, at bukas ang lugawan sa gabi para ang nagbabantay ng lugaw ay nagiging middleman na rin.

Kung gayon, ang mata, ang tampok na sense at ulirat, ay matagal nang nabubulok dahil sa kabulukan ng mismong matatanaw na realidad. Sa huli, sa paghahabi ng bagong fable, isinasaad ng tula, “Hanapin ang lihim ng talim./Kailangang hulihin ang katwiran/bago sumirit ang apdo sa dilim.” Ang kabalintunaan ay wala nang katwiran, at matagal nang sumirit ang apdo sa dilim.

Ang sinasaad ng tula ay parang retro-writing o ang pagsusulat after the fact, kahit pa ang fact ay siya lamang napisil ng manunulat bilang gayun na nga, isang fact. Fact pero fact lamang sa kanyang sariling lugar at pwesto, na nagpapatangi sa kanyang fact at pagsusulat, pero after the fact na ang fact ay nagiging fact, lalo na sa arkipelagong espasyo.

Sa unang bahagi ng tulang “Sa mga FB Online Store Owner (O Tulang Nalikha Dahil Buwiset na Buwiset na Akong Mag-delete ng mga Mensahe sa Aking Pader/Poder)” ni German Gervacio, inihain ng persona ang bombardment ng produktong binebenta sa laylayan ng wall sa kanyang Facebook account:

Nakapagtatakang nalaman mo

Na pipis at tuyot ang dibdib ko

Katulad ng inaalok mong flat-TV

Kaya ipinantakaw

Ang herbal breast enhancer

Nakabibilib na naaninag

Ang magaspang-maitim kong balat

Kaya ipinaskil ang karatula

Ng amazing papaya at gluta

Malay ka rin na japeyk

Ang relong nagha-hang

Kaya ipinansilaw ang replika

Ng guess at monte blanc

Hindi mahalaga sa tula kung tunay o fake ang mga brand at ang branded na karanasang binebenta nito. Ang punto ay lahat ito ay replica o fake na ang generic ay nagiging mas mabenta kung matagumpay ang pagka-brand nito, kahit pa ang branding ay ang tagumpay na apila sa pagkatao—o sa kakulangang pupunan sa pagkatao—ng virtual na mamimili. Virtual na produkto para sa virtual na pag-antig sa virtual na nagfe-Facebook pero potensyal na mamimili pa rin.

Matagumpay ang kapitalismo at ang reiterasyon nito sa bansa na ang pang-araw-araw na sityo ng individualismo, tulad ng Facebook, ay nagiging sityo ng pagbebenta at pamimili ng produkto’t serbisyo. O baka rin naman, nililikha ang matagumpay na sityo ng individualismo—fashion brands, gadgets, malls, at palabas sa telebisyon, halimbawa—para precisely ay makapagbenta, na siya namang nangyari, nangyayari, at mangyayari pa.

Ang mismong panitikan, after all, ay isang produktong makakalakal. At sa kalaunan, ang matagumpay na stilo ay nagiging mabentang libro; ang matagumpay na manunulat ay nagiging matagumpay na brand. Ganito kay Bob Ong at Eros Atalia. Sa comment section sa isang entry kay Eros Atalia, sinabi ng isang jobologist:

“nung una kong mabasa si eros sabi ko parang bob ong lang…ngunit kung susuriing mabuti ang kanyang gawa…yung peksman [Nagsisinungaling Ako] at ligo na u lapit na me na gustong gusto ko…ibang iba ang style nya sa pagsusulat…mas organisado kesa kay b.o. na paborito kong author…nakakatuwa ang galing ni eros na paglaruan ang mga salita…kung i eexhaggerate kung nang kunti masasbi ko na magical yung paraan nya nang pagsusulat…”

Dahil limitado ang kapasidad ng mamamayan na bumili ng libro, nagkakaroon ng kumpetisyon para sa maliit na market. Ang formula sa matagumpay na pagsulat ay reproduceable, gayon din, ang formula ng pagiging matagumpay sa market ng ilang manunulat na may kapasidad pagsanibin ang kanilang panitikan at ang komersyal na viability nito.

Ang buhay ng manunulat sa arkipelagong espasyo ay hinuhulma ng mismong pagdanas sa espasyong ito. Trahedya ang buhay sa espasyong ito, to say the very least: nabubuhayan ng pag-asa ang mahihirap dahil sa pagbili sa lottong maghahatid ng milyon-milyong pangarap o pagpila’t panonood kay Willie Revillame na namumudmod ng tulong at charity para sa kanila; na sa kasalukuyang pagbabalita, magkakapantay na ang news item ng Hacienda Luisita compensation para sa Conjuangco’s, ang tantrum kay Kris Aquino na muli na naman silang inaapi’t malalampasan ng angkan ang kaapihang ito, ang saga ng pagpapakulong kay Arroyo, at ang hiwalayang KC Concepcion at Piolo Pascual; ang dobleng antas ng anxiedad kapag magpapasko: kailangang maging masaya, at para maging masaya mas higit na kumonsumo ng brands.

Ito ang krisis sa panitikan, lipunan, kasaysayan at pagkato sa bansang may arkipelagong espasyo. Ito ang nagbubunsod sa manunulat para magsulat, sa mambabasa para basahin ang mga karanasan, lalo na sa pang-araw-araw ay nagaganap naman sa lahat. Ito rin ang nagbubunsod para akdain ang mundo at realidad na familiar naman pero sa ibang malikhain at kritikal na perspektiba: ang pagsusulat ukol sa loob ng krisis na ina-afford lamang kapag ang manunulat ay inilabas ang isang paa’t sinulat ang karanasan.

Ito ang krisis sa estado na krisis sa panitikan at representasyon. Kaya nananatiling nagsusulat ang manunulat hindi sa ligaya dahil walang ligaya ang krisis kundi sa ligayang napagtagumpayan, sa limitadong paraan, ang mabuhay kahit na (inspite) at kahit pa (despite) may krisis.

Unang nailathala sa Lokusyonaryo ng Kulturang Popular kolum noong ika-7 ng Enero, 2012, Bulatlat.com

Pananaw ng Metro Manila mula sa 17th floor ng gusali
Nagkaroon ng forum ang grupong Pagbabago: People’s Movement for Change na pinamagatang “Hocus-PCOS and Noynoy’s First 100” na nagtangkang magbigay-tasa sa naganap na unang automated elections system na ginamit sa bansa at ang people’s agenda na nilalayong asikasuhin ni Presidente Noynoy Aquino sa kanyang unang 100 na araw.

Ginanap ito sa 17th floor ng Bro. Andrew Gonzalez Building ng De La Salle University (DLSU), ang unang unibersidad na pataas na ang expansyon, hindi na lamang horizontal o sa ibang sityo at kampus lumalawak.  Matatanaw ang syudad na walang tuloy-tuloy na skyline.  May enclave ng mga gusaling nagsisiksikan sa Makati, Ortigas at Libis.  Nagkukumpulan, di nakalatag ng kaisahan.

Urban exceptionalism pa rin ang Metro Manila.  Kahit pa ito ang pangunahing syudad sa bansa, nagkakahiwalay pa rin ang daloy ng modernidad sa Metro Manila.  Sa malawak na pagkakataon, tanaw din ang kahirapan, ang mga lupon ng barung-barong o ang mga di pinalitadang mga bahay.

Mula sa itaas ng gusali, ang syudad ay pawang kalawakan.  Tanaw ang kalangitan mula sa mga bintana ng auditorium.  Mas may ugnay sa abstraksyon ng langit at kaluwalhatiang sinisimbolo nito kaysa sa lupa at ang kahirapang saklaw ng natatanaw.  Lutang kaysa nakapirmi, nakasanga kaysa nakaugat.

Ang pakiwari mula sa tore ay nakaaangat sa nakararami.  Tila mga langgam ang mga taong natatanaw sa ibaba, matchbox ang mga kotse, laruang tren ang LRT.  Parang may kapangyarihan kahit wala.  Ang tanging kapangyarihan ay ang pag-epekto ng saklaw ng visualidad:  ang kakayahang makatanaw ng panorama mula sa itaas kahit wala namang magagawa sa tinatamasang suliranin ng mga tao at komunidad sa ibaba.

Sa gayon, ang exceptionalismo ng urbanismo ay ang imahen ng mangilan-ngilang bahagi ng imahen, hindi ng kabuuan nito.  Hindi ba katulad ng skyline ng New York City, na kahit sa seryeng “Friends” lamang natutunghayan, may kabuuang urbanidad ang mga toreng gusaling nag-uunahang umakyat sa limitadong espasyo.  At sa iba pang seryeng nakabatay sa syudad na ito, ang grid na natutunghayan mula sa helicopter shots nang walang palyang building kete building sa nagsisiksikang isla.

Mula sa punto-de-bista ng gusali sa DLSU, hindi nag-uunahang tumindig ang mga gusali.  Para na lamang itong oasis sa gitna ng kalakhang patag na konkreto at manakanakang puno.  Natatanaw ang potensyal na maging ang buong Metro Manila, gayong ang pagiging nito ay nagbabadya nang mas matagalan pang pag-aantay.  Bago pa man maging ang Metro Manila, paratihan na itong hinihigop ng naging, kaya ang pagiging ang perenyal nitong estado:  pagiging metropolitan ang Manila, kailanman hindi aabot sa estado ng ideal na Metro Manila.

Kaya ang tanaw na metropolitanismo ay ang urbanidad ng kahirapan at di-kapantayan ng pagkalatag ng mismong urbanismo.  Ang oasis sa imahen ay ang sachet sa global na urbanismo ng Metro Manila—patikim sa posibilidad ng kumpletong urbanismo sa antas ng pag-unlad na nakakaya nito:  ang manakanakang pag-unlad.  Sa pangkalahatan, ang imahen ng urbanidad mula sa gusali ay ang kawalan nito sa premyadong syudad ng bansa.

Natatangi pa rin ang pagtanaw sa panorama dahil hindi naman ito matutunghayan ng mismong nakararami.  Halimbawa, ang mga gusali sa UP o Technohub ay walang ganitong panorama kundi ang pananaw na luntian at busilak ang mga lunang ito.  Sagrado para sa edukasyon at aksesorya ng edukasyon, kumbaga, kahit hindi naman lubos.

Reafirmasyon ng estadong natamo ng individual o kanyang pamilya ang pagkakaroon ng tanawin tulad ng sa matayog na gusali.  May wifi na higit pang nakakapaglakbay sa virtual na uniberso kahit ang mismong katayuan sa mga kwarto ng gusali ay isang virtual na posisyon sa materialidad ng buhay ng nakararami.  O maari rin namang isara ang kurtina, nagmistulang nakalutang kundi man nakahiwalay sa imahinaryo ng kahirapan at di-kapantayan ng nakararami.

Parang nanonood ng protesta sa telebisyon gayong sa Quezon Hall, Mendiola o US Embassy lang ito nagaganap.  Distansyado na parang kasing layo ng natatanaw na karimlan ang mga ito.  Pinili nang magkaroon ng kawalan-epekto, at kung mayroon man, piniling hindi pa rin lubos na maapektuhan para mapakilos.

Ito ang kayabangan ng posisyon.  Ondoy-in man ang buong Metro Manila, mag-global warming man at lumubog ang kalahati ng syudad, nananatiling nasa ligtas na poder pa rin ang tumatanaw.  Apektadong maantig ang individual pero apektadong nakakaparalisa’t hanggang sa charity work ang rekurso.

Matapos ang forum, dali-dali akong bumaba sa nagsisiksikang pasahero sa elevator.  Dali-daling gustong umalis sa rito at bumalik sa roon.

Imahen mula sa http://www.blog.travelpod.com/

Unang nailathala sa Pasintabi kolum noong ika-27 ng Hunyo, 2010, Pinoyweekly.org.