Ang Pag-ibig, 22 Disyembre 2011

by rolandotolentino

Ang Pag-ibig
Para sa kasal nina Tristan at Lanie

               Ang pag-ibig di namimili ng panahon.

               Itago na lang natin sa pangalang Manny, natagpuan ang sinta sa Friendster. Dumayo’t namanhikan sa Bikol.

               Ang kasal ang panahon ng pag-iisa ng dalawang umiibig.

               Itago na lang natin sa pangalang Zenzer. Menor at umibig noon pang high school sila. Dumayo sa Malolos para magpakasal, at sa isang family resort na may swimming pool ang reception.

               Ang kasal ang panahon ng pag-iisa ng dalawang umiibig.

               Itago na lang natin sa pangalang May. Umibig kay Jasmine at napahiwalay sa asawang lalaki. Sa Enero sila mag-iisang dibdib.

               Ang kasal ang panahon ng pag-iisa ng dalawang umiibig.

               Itago na lang natin sa pangalang Miselucha. True love ni Christian (di niya tunay na pangalan) simula pa nang high school sila. Matapos ng lampas na isang dekadang pagkakawalay, natagpuan nila muli ang isa’t isa. Natagpuan nila ang pag-ibig.

               Ang kasal ang panahon ng pag-iisa ng dalawang umiibig.

               Ang pag-ibig di namimili ng panahon. Sa pagkahinog ng panahon ang panahon ng pag-ibig.

Advertisements