Rolando Tolentino

Pag-deadma ni Arroyo, pagpronta ng anino, Pinoy Weekly Online Column

imahen mula kay Antipas Delotavo, “Itak sa Puso ni Mang Juan”,  jk22b.blogspot.com/2004/12/music-and-society.html

CJ Tanedo, “Dog Show”, www.cuadrofilipino.blogspot.com/

Pag-deadma ni Arroyo, pagpronta ng anino

Ang ibig sabihin ng deadma ay nagsasawalang-kibo at pakialam, naghuhugas ng kamay. Deadma ang pangunahing taktika ni Gloria Arroyo kung gusto nitong maligtas sa gusot na tinatangka nitong pasukin. Nang sa gayon, walang direktang koneksyon na masasambit sa baho nito.

Deadma na naman si Arroyo sa mga kaguluhan sa bansa. Bigla na lamang may pipirmahan nang MOA (Memorandum of Agreement) ang MILF (Moro Islamic Liberation Front) at gobyerno sa Malaysia. Nagkarambola ang mga aninong prumonta rito—ang “peace” adviser na si Hermogenes Esperon at Press Secretary Jesus Dureza. U.S. pa pala ang sponsor ng pag-aaral at pag-broker ng MOA.

Halos sabay-sabay ang mabibilisang kaguluhan. Alam namang malakas ang reaksyon ng mga masasakop na anscestral domain ng MILF. Kinontesta ang MOA sa Korte Suprema, alam din na may pagtiwalag ito sa konstitusyon. At giniyera na naman ang Mindanao, na ayon kay Arroyo, para protektahan ang “bawat pulgada ng teritoryo ng bansa.”

Deadma rin si Arroyo sa cha-cha (charter change). Federalismo raw ang sagot para sa tunay na kapayapaan sa Mindanao. Ginamit pa ang oposisyong Senador Aquilino Pimentel na nag-sponsor ng panukalang batas para rito. Pati sa Kongresso, ang oposisyonistang si Rufus Rodriguez ay kinailangang i-withdraw ang kanyang panukala para hindi maiugnay kay Arroyo.

Ang problema sa pagdeadma ni Arroyo, kay raming gustong prumontang aninong alipores nito. Sila ang willing na kumuha ng bugbog, mangamoy ng baho nito, at sa worst scenario, mahuling may hawak ng loot o blunder nito. “Nabibili” sa pamamagitan ng reported na bribes, koneksyon, palitan ng pabor, promosyon sa pamahalaan ang mga ito.

Mahaba ang kwintas ng mga ulong pigtas sa leeg ni Arroyo. Kung sa marxista, ang surplus sa paggawa ay tinatawag na “reserved army” na nagpapanatiling mababa ang sahod; kay Arroyo ito ay “reserve bureaucrats” na handang mag-pawn ng sarili para maprotektahan at mailigtas ang reyna.

Ito ang mga komander sa giyera sa Mindanao na dumidiskarte sa pagbomba at pagpatay, pati sibilyan, para idisimulado ang krisis tungo sa resolusyong cha-cha. Ito ang salitan ng pwesto ni Romulo Neri na isa na sigurong pinakamaraming naupuan sa karambola ng musical chairs sa pamahalaan ni Arroyo. Ito ang pinakamaraming bilang ng retiradong Chief of Staff na may extended stay sa burukrasya ni Arroyo.

At maging ang pamilyang Arroyo ay marunong nang lumaro sa “deadmatology” (ang syensya ng pag-deadma). Polisiya na ng First Gentleman na hindi magsalita sa anumang bagay sa media. Si Mikee Arroyo ay naghugas na rin ng kamay sa cha-cha. Sinang-ayunan ang posisyong ok ang cha-cha pero pagkatapos ng termino ng kanyang nanay.

Ang mga anino ang nagmimistulang instigador at promotor, gayong ang anino ay anino lamang. Nasa laylayan lamang sila ng historikal na figura ng kapangyarihan. At ang kapangyarihang ito ng estado ay walang iba kundi si Arroyo. Ito lamang ang presidenteng nakakapanghimok ng dispaborableng opinyon sa kanyang pagmamaan-maangan.

Ang nagawa ni Arroyo ay imaximisa ang kanyang legacy ng pangde-deadma na nagsimula pa nang una siyang manungkulan sa pagkapresidente, at tumanggi pero binawing tumakbo at masalang sa pinakamalaking elektoral na pandaraya sa kasaysayan. Hindi ito pagsisinungaling dahil puro moral na batayan lamang ang mga ito. Walang kasong naipanalo sa Kongresso at korte.

Ito ay simpleng pangde-deadma. At nakupkop na ito ng Kongressong kanyang hawak, at nagsisimula na rin ang paborableng opinyon ng mga korte, kasama ang Korte Suprema, hinggil sa mga pro-administrasyong bentahe. Kung gayun, siya na presidente ay may hawak na ng lehislatura at judiciary.

Ang alaala ng batas militar ng diktaduryang Marcos ang nagpapalamnan sa kaisipan. Hindi nga ba’t kahit tinanggal ni Marcos ang batas militar ay nakapagkonsolida pa rin ito ng kanyang diktadurya? Walang dineklarang batas militar si Arroyo gayong ang pamamalakad sa bansa ay sa anino nito.

Ito ang neoliberal na pagkapangulo ni Arroyo. Napapangimbabawan niya at ng kanyang prumoprontang anino ang anumang politikal na krisis dahil hawak nila ang ekonomiya ng bansa. Di tulad ng negatibong ekonomiya ni Marcos, ang kay Arroyo ay puro paglakas at pag-unlad na statistiko. Na sa huli ay maari ring isiping anino lamang ng figura ni Arroyo—na ang statistiko ay pwede naman talagang maniobrahin para pumabor sa estado.

Kaya kailangang ilantad ang mga anino sa liwanag, huwag pataguin sa dilim. Ipagpatuloy ang pagpisil sa anino para mapisil si Arroyo. Kaladkarin ang anino sa tanghaling tapat, ang sandaling walang mga anino. At sa krisis na iniluluwal nito, malalamon at malalamon din siya ng sariling anino. Kailangan nga lang paratihan ang sustenidong pagkaladkad kay Arroyo sa tanghaling tapat, tulad ng pagkaladkad sa bampira sa sinag ng araw.

Goatee at Ghetto, Bulatlat Column


imahen mula sa www.epicurious.com/…/05/food-news-round.html

brommel.blogspot.com/2008_01_01_archive.html

interfaithwomenscirclemanila.blogspot.com/200…

Goatee at Ghetto

Hindi naman ako nawawalan ng tulog kapag nagdedesisyon ako tungkol sa katawan. Napag-isipan kong magpatubo ng goatee. Hindi naman ako tinutubuan ng kumpletong bigote kaya hanggang goatee na lang. Maraming referensya ang banggit ng mga tao hinggil sa goatee ko.

Ang pinakahuli ay si Ho Chi Minh, at hinihingi na raw niyang ibalik ko ito. Ang mga nauna ay pagiging terorista at siempre, Muslim. Na ang banggit ng kaibigang historiador Francis Gealogo, ang Muslim ay hindi angkop na pagtukoy dahil ito ay katawagan ng mga naniniwala sa Islam. Moro ang angkop na tawag.

Noong Linggo, nagpunta kami sa Baliwag para sa lamay ng nanay ng kaibigan. Ang alaala ko sa bayang ito ay bilang stopover sa pag-uwi sa Nueva Ecija. Mayroon kaming dinadaanan bago magbayan na restaurant na ang spesyalidad ay arroz caldo. Treat na payagan kaming umorder na ang sahog ay itlog at manok.

Dilaw ang lugaw dahil sa bulaklak ng safron. May maliliit na dilaw na pandesal na katerno ito. At paminsan, kapag galante ang mga magulang ko, may chicharon. Kilala ang Baliwag sa chicharong may laman. At tunay na magiging masaya ang natitirang biyahe pauwi sa bayan sa Nueva Ecija.

Naalaala ko rin ang Baliwag sa panahong ito. Simbahan ang pinakaprominente sa bayan, kasama ng mga higanteng lumang bahay ng mga ilustrado. Malawak ang palengke. Iba talaga kapag lumalaki ka na, nagmumukhang maliit ang lahat. Nitong huling dalaw sa bayan, “Glorietta” ang tawag sa sentro ng plaza. Ito ang pasyalan sa gitna ng plaza, may higanteng palmera sa kalapit na gitna ng kalsada, mga higanteng puno sa sentrong ito.

Ang simbahan, kundi pa binakuran, ay nasakop na rin ng mga bagong establisyimento. Nandoon siempre ang obligatoryong Jollibee, at sa di malayong lugar, ang McDonald’s. Sinabi nga ng kapatid ng namatay, “May 7-11 na rin kami.” Nandoon pa rin ang terminal ng Baliwag Transit sa gitna ng bayan, wala nga lang aircon na bumibiyahe.

Nagsikip na ang palengke, at tunay namang naging “night market” na. Ang isang patagong kaiba ng pag-unlad ng bayan ay hindi na lamang ang mga obligatoryong establisyimento kundi ang migrasyon na rin ng negosyo at katawan ng mga Moro. Sa Baliwag, at maging sa Baguio City, sila ang may hawak ng piratang negosyo ng DVD at iba pang media, at ng cellphone.

Sa Baguio City, mayroon na silang sariling ghetto o laylayang komunidad na trinasforma batay sa sariling pangangailangan: publikong lugar na dasalan dahil sa relihiyon, komunal na tirahan dahil sa panimulaing pagsisikap para sa trabaho at negosyo. Sa Metro Manila, bukod sa Golden Mosque sa Quiapo, ang mga ghetto na distrikto ng Moro ay ang Culiat sa Tandang Sora, at Maharlika Village sa Taguig.

Bahagi ang mga ghetto ng Moro ng surveillance at disiplina ng estado. Dalawa lang ang lugar na peryodikong sinosona o pagpulisya sa mamamayang lalake para uriratin ang mga katawan para sa tattoo—kaya pinaghuhubad—at mukha para sa pagkakahawig (may xerox ng mga wanted ang mga pulis): yung mga underclass na komunidad ng mga pinaghihinalaang tirador at jologs, na sa pelikulang Jaguar (Lino Brocka, ) at Tirador (Dante Brillante, 2007) ay mas may pagtanggap kaysa pag-aklas; at yung double underclass hindi lamang batay sa uri kundi sa relihiyon na rin, ang komunidad ng Moro.

Tattoo ang nagmamarka ng katawan ng gang member sa komunidad. Malamang ay nakapasok na sa loob (preso) kaya may tattoo at afiliasyon nang gang. Mukha na may pagkakahawig sa xerox (kopya ng kopya ng tunay), na siyang nagbibigay-diin sa operasong pagkakaiba (othering) ng estado sa disenfranchisadong mamamayan: mukhang mahirap kaya suspek kaagad ng surveillance at pagdidisiplina.

Paano nagsasaad ng ganitong paranoia sa Moro? May pagkakaiba ba ang lalakeng Moro kapag pinaghubad na siya ng damit? Nang mag-goatee ako, tunay namang marami akong narinig na pejoratibong asosiasyon sa aking buhok sa baba sa pagiging Muslim (sic), at ang Muslim (sic) sa pagiging terorista. At hindi naman nagkakamali sa asosiasyong ito. Nang magpunta kami sa Bulacan ay marami ngang lalakeng Moro na may goatee.

Hindi lamang mahirap ang maraming Moro—hindi nga ba’t ang ARMM ang pinakamahirap na rehiyon sa bansa—at sumpa ito na pinapasan ng maraming mamamayan, kundi ang pagiging Muslim ng Moro ang dagdag na pang-estadong pagdidisenfransisado. Hindi sila nakolonisa ng mga Kastila, at nakalonisa lamang sila ng mga Amerikanong mananakop nang gamitin nito ang political might at suhulan ang mga paksyon ng lokal na naghaharing uri.

At ito ang ginagamit ng mga sumunod na Filipinong gobyerno—ang panunuhol sa lokal na politika (kasama ang pagwafaz sa politikal na kalidad ng pagka-Moro, ang sapilitan silang papasukin sa bansa). Ang resulta nito ay ang mass migration ng mga Moro para magtaguyod ng ghettoized na negosyo sa mga umuusbong na urbanidad sa mga bago at lumang syudad.

Baritone at may makapal na punto ang lalakeng Moro habang nag-aalok ng piratang DVD at iba pang media. Pabulong na naririnig din ng iba pang malalapit na tao. Ang boses ng lalakeng Moro ang naghuhudyat ng pagka-praning, tulad ng historikal na pagkapraning sa mga Moro bilang piratang nanlulusob sa bayan para sirain at i-loot ang gamit, at para makakuha ng supply ng alipin sa malaking negosyong ito.

Pero tulad ng komoditi na ibinebentang pabulong ng lalakeng Moro, ang ipinapahiwatig din ng boses ay ang seduksyon para sa negosiasyon sa gitnang uring pambansang panuntunan ng buhay. Hindi ba tayo nagtataka, na tulad ng ukay-ukay na sa Igorot naman napakat, na ang akses natin sa mga marka ng gitnang uring modernidad ay mula sa First World recycling (mabuhay ang ukay-ukay!) at Third World making-do (mabuhay ang pirated!). Nabubuhay ang mga negosyong ito dahil ito ang mga aksesibol na entry points para sa gitnang uring buhay.

Ang DVD player na pirated din at nakakapag-play ng kahit anong rehiyon sa mundo (kontraryo sa pagpulisya ng gumagawa ng bala at player) ay standard marker na sa tahanang may pag-aastang gitnang uri. Dahil sa kamahalan ng tiket sa sine, ang pangunahing libangan na, lampas sa “libreng” radyo at telebisyon, ay panonood ng sine sa pirated na DVD. Ibig sabihin, ang pagbalikwas ng mamamayan ng bansa sa global na negosyo ay sa pamamagitan ng kinatatakutan na pirata.

Paano ka matatakot sa isang entidad na sa pagtangkilik mo ay nagiging kauri mo na rin? Bakit may pag-ilag pa rin sa mga Moro? Ang paranoia ay ang mental na estado na nakikita ang sarili bilang biktima ng kaiba. Paano ka magiging biktima kung wala namang nangbibiktima sa iyo? Na magpapatawag-pansin kung bakit ang mga Moro ay parati na lamang pinupulisya tuwing may pagbobomba at iba pang akto ng tinutukoy ng estado na terorismo sa kalunsuran.

Hindi ba’t sinusuyod ang mga komunidad ng Moro bilang remedy sa tinaguriang pambansang krimen? Na di tulad ng ordinaryong sona na para limasin ang mga peti na krimen ng tirador at drug addict at pusher, ang sa Moro ay para italaga sa kanila ang kolektibong paranaoia at hysteria na dulot nito para sa krimen ng estado sa kanyang sarili. Na ang pagtukoy sa Moro kada may bomba ay para idisimulado ng gobyerno ang sarili nitong kahinaan—kung bakit, sa unang usapin, may nagbobomba?

Ang pagdisimulado ng karahasan ay itinatalaga sa historikal na katawan at kolektibong pangangatawan na sa imahinasyon ng gitnang uri at nag-aastang gitnang uri ay ang Moro. Para maging Moro, kailangangang pwedeng maisantabi dahil sa pagpiling maging Moro. Karahasan sa estado ang magnitude ng inaakalang pwedeng iakusa sa Moro. Sila ang naghuhuramentado, barbariko, maraming asawa, at iba pang kaiba (di Katoliko, di moderno, di gitnang uring mamamayan). At lalo lamang nasasapol ang ganitong kolektibong pag-iimahinasyon sa Moro sa periodikong pakikidigma ng gobyerno sa mga Moro sa Mindanao.

Ikinakalat sa media ang paggamit ng mandirigmang Moro sa taumbayan bilang shield, ang pagpilas nila ng teinga at iba pang bahagi ng katawan sa mga pinatay nito, ang walang-awang pagpatay sa mga hostage, ang panghohostage para kumita, at iba pa. Sino ang hindi sasang-ayon sa panawagang pulbusin ang mga ito? Sa Baliwag, ayon sa dinalaw namin, may insidente na na binabato ang tinutuluyan ng mga Moro, at natitiyak natin hindi lang dahil sa hindi mag-play ang nabiling piratang DVD!

Walang pangulo ang hindi kumasangkapan sa Moro at “problema” sa Mindanao para sa kani-kanilang politikal na ganansya. Ang isama pa rito sa pandarambong sa Moro ay bilang balon ng “dagdag-bawas” sa mga eleksyon. Sa pambansang eleksyon tumakbo sa pagkapresidente si Arroyo, ito ang naging balon ng pinapangarap niyang isang milyong minimum na lamang sa kalaban.

Ang mga pelikula ni FPJ (Fernando Poe, Jr.) na ukol sa Moro at Mindanao ay tinataguriang “mas paborable” ang representasyon sa mga mamamayan bilang matatapang, dakila at pangingibabaw ng kabutihan. Hindi nga ba’t ito rin ang naging balon ng lamang ni FPJ sa nakaraang eleksyon? Malaki ang appeal niya dahil sa klase ng appeal ng kanyang filmikong tauhan.

Ang “problema sa Mindanao” ay isang periodikong pagsisiwalat ng hysteria, ginagawang kolektibo gayong fallacious naman—hindi ito ang cause sa effect na hinahanapan ng katubusan ng estado. Ang “problema sa Mindanao” ay ang kakanyahan ng estado na kasangkapanin ang Mindanao—sabayang pinakaproblematiko at pinakayamang untapped na resources—at ang Moro para sa pang-uring interes ng estado.

May Morong nagpapagamit, may Morong nanggagamit. Pero ang sentral na usapin ay ang mas makapangyarihang paggamit sa Moro bilang toilet paper sa tuwing dumudumi ang estado. Ito ang problema at ang huling katubusan: ang kapangyarihang maniobrahin ang buhay ng historikal na naisantabi at nadisenfansisadong entidad para sa pang-uring interes ng estado, ang preserbasyon at perpetwasyon ng bangkaroteng sistema nito.

Kaya balak kong panatilihin ang goatee ko, para ang ghetto na inaakalang nagsadlak sa disenfransisadong mamamayan ay paratihang magsiwalat din ng pangamba at paranoia, ng instabilidad ng kapangyarihang makapaghari magpakailanman, ng ang “problema sa Mindanao” ay magsaad ng “problema sa Pilipinas,” at ang ugat ng problemang ito ay ang mismong bangkaroteng estado at ang patron nito.

Ang goatee at ghetto ay hindi na lamang, lampas pa sa goatee at ghetto na lamang.

Review of “The Cinema of Manuel Conde”

imahen mula sa video48.blogspot.com/2008/04/manuel-condes-ge…

video48.blogspot.com/2008/04/incomparable-man…

Review of The Cinema of Manuel Conde by Nicanor G. Tiongson (Manila: U of Santo Tomas Publishing House, 2008), 272 pages.

The tandem that brought us the two coffee-table books of the Manunuri ng Pelikulang Pilipino, Nicanor Tiongson’s writing and editing and Cesar Hernando’s photo research, returns to fill in the gap of an earlier film era.

Folklorist and trickster filmmaker Manuel Conde’s life and work is the subject of the latest book on Philippine cinema. Conde was a director with a lot of firsts on his hand: first to use color in movies, first to compete in the Venice Film Festival, and first to combine international and local, independent and studio funding for his films, among others.

It is an opportune time that the book on Conde is launched at the 4th Cinemalaya Film Festival. An auteur filmmaker who writes, directs, stars, production designs, and executive produces his films, Conde’s multi-faceted life provide lessons and is an inspiration to the younger generation of independent filmmakers. Conde was also a precursor to Kidlat Tahimik’s naïf indigene figure.

He is as relevant to the younger filmmakers as his films are to the nation. Conde knew film and the stories he wanted to tell for a Filipino audience. He drew inspiration from folk tradition and anxieties over social values of the times.

Like the pioneering Russian social realists, he innovated on the film media to create a distinct Conde mis-en-scene (staging the action), unique in framing, rich in production details, and oftentimes shot with movement that interrogates the field of vision. He sourced his own funding, collaborated with artists, and consistently maintained the highest quality of work.

Conde “Filipinized” film, offering audiences a familiar story ingeniously told in the adaptation of a foreign media. Even his most famous work, Genghis Khan was more attuned to the trickster’s tale than to world history.

It is no wonder that he has survived and excelled for four decades. He became a vital bridge in the continuity of Philippine cinema—excelling in the national and international arenas. Up to his death in 1985, Conde was active in conceptualizing newer projects.

With only six surviving films, extant scripts, and mostly popular press clippings, Tiongson reassembled the vital Conde history. Himself a historian with books on the women of Malolos and local theater forms, Tiongson overcame the limitations that confronts all scholars, especially in popular media.

He retold Conde’s resplendent life in all its possibilities. While excelling in funding and collaboration, Conde also directed an anti-communist film The Fire and the Shadow (1956), set in Vietnam, with three language versions.

Tiongson’s erudite writing brings into the light of a nation’s consciousness the triumphs and travails of Conde as a filmmaker. Conde, as readers will find out, is an artist, satirist, folklorist and social critic. Tiongson has sewn a full biography of Conde, periodized his professional development, and analyzed his contribution to the “Filipino National Cinema.”

Hernando’s photo research is also an embodiment of a love for Philippine cinema. Himself a filmmaker, archivist, and cultural worker, Hernando has come up with photos that eloquently map out the rise of Conde among his generation. As films are about images, this book is replete with photos that help encapsulate Conde, his work, and his era.

Conde’s era is not a bygone period. The conditions he faced remain emplaced up to the present. Independent filmmakers especially, dwell on issues of funding, creativity, collaboration, and visioning that could make or break them. It is through an examination of Conde’s life and choices that can inform the present generation of filmmakers.

Conde’s logistical limitations were transformed into artistic decisions. He was able to maximize the limits of what goes into the production process. In the famous anecdote about the tiny local horses used in Genghis Khan because the Philippine Constabulary, at the last minute, denied the use of imported patrol horses, Conde would be praised for authenticity.

He stated, “I had been told that I was a genius. I told him that there was a difference. Orson Welles is writer-director-star because he is a genius. Manuel Conde does it for lack of money.”

Necessity becomes the mother of innovations in Philippine cinema. With the advent of the newer technology of digital filmmaking, Conde’s motivation that lead to decision-making and artistic choices remains the impediment for both constraint and growth of Philippine cinema.

Conde’s “making do” tactics, like the tricksters he emulated in his films, are not only able to tell a familiar story to local audiences but narrativize stories that implicate and bind us to each other.